Lunes, Pebrero 25, 2013

PANGHULING BIKTIMA ni Ledwina P. Delfino (Kwentong Pangkapaligiran)



Kwentong Pangkapaligiran:


PANGHULING BIKTIMA
ni Ledwina P. Delfino




         
Dalawang taon na ang nakalilipas buhat nang mangibang bansa ang asawa ni Antonio upang doon magtrabaho. Sa labis na pangungulila, ibinuhos niya ang nadaramang kalungkutan sa paglalasing upang makalimot.

Mayroon siyang isang anak na babae na ngayon ay ganap ng anim na taong gulang at nasa pangangalaga ng kanyang yaya.

“Papa, aalis ka na naman po ba?”
“Merulyn, anak, dito ka lang ha.”
“Kumain po muna kayo”, malambing na alok ni Merulyn.
“Hindi na, basta dito ka lang.”
“Wala po akong kasama rito.”
“Basta, huwag kang aalis, diyan ka lang, nandyan naman si Yaya, lagi mong tatandaan ha, mahal na mahal ka ni Papa”, paulit-ulit na bilin ni Antonio habang papaalis na ito.

Upang pawiin ang lungkot ni Merulyn, ipinapasyal siya ng kanyang Yaya sa mall para maaliw sa mga bagay-bagay na kanyang makikita roon.

“Yaya, bilhan mo ‘ko non.”
“Alin? ‘Yon ba?”
“Oo Yaya, gusto ko ‘yon.”
“Walang problema.”
“Talaga Yaya”
“Oo naman.”

Malaki-laki rin ang perang ipinapadala ng asawa ni Antonio para sa kanilang mga gastusin sa bahay at sa mga iba pang pangangailangan kaya anuman ang magustuhan ng bata ay agad-agad na ibinibigay ng kanyang Yaya lalo pa’t kung para ito sa ikasisiya nito. Isinasama rin ang bata ng kanyang Yaya sa sinehan upang manood ng sine paminsan-minsan at nang sa gayon ay hindi ito gaanong mabagot sa pananatili sa loob ng bahay.

Noong pitong taon na si Merulyn, pumasok na ito sa paaralan na hatid-sundo ng kanyang Yaya at binabantayan niya itong maigi at tinutulungan sa mga gawaing-paaralan gaya ng kanyang pangako sa ama nito na kanya itong pakaiingatan. Dito na sa paaralang ito nagkaroon si Merulyn ng isang matalik na kaibigan na nakapagpupuno ng kalingang kanyang kinakailangan.

Samantalang si Antonio ay patuloy lamang sa paglala ang kalagayan. Nagpapakalunod sa alak at sa masamang bisyo upang aliwin ang sarili sa mga walang kwentang bagay na siyang tanging nakagagamot sa makitid niyang isipan. Kinalaunan, natutunan niya rin ang tumikim ng droga hanggang sa makagawian niya na ito na para bang hinahanap-hanap niya. Dahil sa labis niyang pag-inom ng alak, lalo pa siyang nakaiisip ng mga masasamang bagay at dahil sa impluwensya ng droga ay nagiging kahindik-hindik ang kanyang mga ikinikilos. Mag-uumaga na kung siya ay umuwi at maaga rin kung siya ay umalis.

Isang madaling araw, biglang nagising si Merulyn dahil sa isang napakalakas at nakabubulabog na sunud-sunod na katok sa pinto.

“Kayo po pala, Papa”, si Merulyn ang nagbukas ng pinto.
“Anak!”
“San po kayo galing?”
“Nagtrabaho.”
“Ba’t duguan po kayo? Ba’t may itak po kayo?”, pag-uusisa ni Merulyn.
“A, ito ba? Nagkatay kami ng baka, anak”, mabilis na tugon ni Antonio
“Ba’t amoy alak po kayo?”
“Anak, pampaalis lang 'to ng puyat, mas mabisa ‘to kaysa kape”, palusot ni Antonio. “Matulog ka na, Merulyn, maaga pa, makasasama sa kalusugan mo ang kakulangan sa tulog.”

Sa katunayan, bukod sa mga babaeng nagpasaya sa kanya kanina sa kanyang paboritong lugar ay hindi niya pa rin natamasa ang kanyang hinahanap at parang may kulang pa.

Sa kalagitnaan ng gabi, pumapasok siya sa bahay na kanyang madaraanan sa daan pauwi upang kumuha ng isang batang babae. Para siyang isang asong nasisiraan ng bait. Dinadala niya ito sa isang madilim na lugar upang gawin ang mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan. Tuwang-tuwa siya sa mga nakatitindig-balahibong palahaw ng batang babae habang ginagawa niya ang kanyang gusto ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kanyang kaligayahan. Hindi pa siya kuntento at bilang panapos-bilang huhugutin niya ang kanyang sinturon mula sa kanyang baywang upang panoorin ang kasukdulan ng isang pelikula. Ang kahuli-hulihang tagpo ay ang pagtadtad niya ng katawan ng batang ito sa pamamagitan ng malaking itak. Tuwang-tuwa siya habang pinakikinggan ang napakalakas ngunit dagliang pag-iyak ng bata na nakapagpapagaan ng kanyang kalooban. Ang tanging natitira sa mga biktima ay ang bahaging ulo nito.

Naging libangan na ni Antonio ang ganitong gawain. Kinaumagahan ay matatagpuan ang pira-pirasong katawan. Saan mang dako ng Pilipinas, sa telebisyon man o sa radyo, sa pahayagan man o sa usap-usapan ng mga tao, at sa ulo ng balita, sikat na sikat na ang kanyang modus operandi.

“Isang batang sugatan, punit-punit ang katawan, kagimbal-gimbal ang kalagayan, natagpuan!” balita sa tv
“Isa na namang batang babae ang natagpuan na puno ng tadtad sa katawan! Sino kaya ang walang awang nilalang ang may kagagawan nito?”
"Marami na'ng lasug-lasog na katawan ng batang babae ang ating nasasaksihan. Hindi kaya iisang tao lamang ang nasa likod ng krimeng ito?”
“Ano ba’ng itsura ng bangkay, Mare?” pag-uusisa ng isang aleng namamalengke.
“Hindi mo pa ba napanonood sa telebisyon? Parang giniling na baboy ang dating! Katulad nitong binibili mo, o.” biro ng isang tindero ng karne.

At sa tuwing tatanungin ni Merulyn si Antonio kapag ito’y umaalis, iisa lamang ang naisasagot nito.

“Pa, san po ang punta niyo?”
“Sa trabaho, anak.”
“Umuwi po agad kayo.”
“Hindi ko maipapangako anak, ipinaliwanag ko na sayo, ‘di ba? Marami akong tinatapos na trabaho kaya kinakailangan kong mag-overtime.”palusot ni Antonio.

Kinausap muna ni Antonio ng sarilinan ang kanilang katulong bago ito umalis.“Kung sakaling kinailangan mong umalis, iiwanan mo ba ang anak ko rito nang nag-iisa?”
“Hindi ko naman po iiwan si Merulyn ng basta-basta na lamang na walang kasama. Napamahal na po ako kay Merulyn. Para ko na rin po siyang anak.”
“Mabuti naman kung ganon. Paano kung hinihingi ng pagkakataon?”
“Sisiguraduhin ko pong may maghahalili sa akin habang wala ako upang matiyak ko ang kanyang kaligtasan. Bakit po ninyo naitatanong ang mga bagay na iyon? Mukha naman pong malusog na bata si Merulyn.”
“Kahit na, mas mabuti pa rin ang nag-iingat. Basta, lagi mong aalagaan ang aking anak.”
“Oo naman po Sir .”
“Yaya, kayo na’ng bahala kay Merulyn.” paulit-ulit nito habang papaalis na.
Bihirang umuwi si Antonio sa kanilang bahay at natutulog na lamang kung saan abutan ng antok. Kung makauwi man ay minsan na lamang.

Isang madaling araw, umuwi si Antonio upang bisitahin ang pinakamamahal niyang anak ngunit wala siyang nadatnan sa bahay. Dali-dali siyang tumawag sa presinto upang ipaalam ang tungkol sa pagkawala ng kanyang anak. Makalipas ang isang oras ay natapos rin ang kanyang paghihintay nang biglang tumunog ang telepono.“Si Antonio po ‘to, may balita na po ba?”
“Natagpuan na! Pumunta kayo rito ngayon din.”
“Maraming salamat po,” at ibinaba ang telepono. “Salamat sa Diyos at natagpuan  na ang anak  ko! Ngunit  bakit patuloy  pa rin ang kabang namamayani sa  dibdib ko? Kailangan kong makasigurado  na anak ko nga ang kanilang nakita! Kailangang mapuntahan ko agad  si Merulyn” bulong ni Antonio sa kanyang sarili.

Nagmamadali niyang tinungo  ang istasyon ng pulis. Napaluhod siya sa kanyang nakita. Hindi niya  napigilang umiyak  sa labis na panghihinayang at pagsisisi sa katotohanang hindi niya na maibabalik  ang kanyang nasira  anuman ang gawin  niya. Sinong ama ang hindi magagalit sa sarili kapag nahulog siya sa sarili niyang patibong.

Sariwang-sariwa pa sa alaala ni Antonio ang batang babae kanina, takbo ng takbo habang hinahabol niya na animo'y walang kalaban-laban sa maiiksi nitong hakbang. Takot na takot ito. Muli niyang naririnig ang mga katagang binitiwan niya, "Galingan mo ang pagtago... Nandito na ako... Bulaga! At damang-dama niya ang labis na pagkabigla ng bata na tila ba katapusan na ng kanyang mundo at wala na siyang magagawa upang iligtas ang kanyang sarili sa isang monster. Binahiran niya ito ng putik at ninakawan ng dangal. Inalisan niya ito ng hininga at inialay sa altar.

Isang tapik sa balikat ang tinanggap ni Antonio mula sa isang bata sa dakong likuran. "Patawarin mo po ako, Tito, 'di ko siya nailigtas", mangiyak-ngiyak na sabi ni Arlene. Natulala siya at napatitig ng matagal sa bata dahil sa narinig. Lalo siyang humagulgol.

Napag-alaman niyang umuwi pala ang kanilang katulong sa kanilang probinsya dahil sa nagkaroon ng malubhang karamdaman ang ina nito. Sa pag-aakala nito na magiging ligtas si Merulyn sa bahay ng kaibigan ay ipinagkatiwala niya ito rito at ipinagbiling huwag na huwag itong pababayaan. Nangako rin ang katulong na agad-agad siyang babalik kapag gumaling na ang kanyang ina.

Sino nga ba si Arlene? Siya nga ba ang naging dahilan upang matauhan si Antonio? Siya nga ba ang batang matagal ng sinusundan ni Antonio? Siya nga ba ang batang pinagmamasdan ni Antonio kahapon? Siya rin ba ang batang muntikan ng maging panghuling biktima?


Sadya nga bang mapagbiro ang pagkakataon? Si Merulyn ba ang naging dahilan upang wakasan na ang kasamaan ng kanyang ama? Ano nga ba talaga ang nangyari ng gabing iyon? May alam kaya si Merulyn sa nangyari? Umamin at sumuko kaya si Antonio sa awtoridad? Tumigil na kaya si Antonio sa kanyang maling gawain simula ng araw na makita niya ang kaawa-awang sinapit ng kanyang anak? Natauhan na kaya siya sa nangyari? Iyon na nga ba ang kanyang panghuling biktima ? O may sumunod pang nangyari nang sumunod na gabi?

1 komento:

  1. Ito ang unang kwentong naisulat ko nung second year college, bilang proyekto sa fil 3. Nasulat ito nung panahong talamak ang pangunguha ng mga kidney at lamang-loob sa lugar na kung saan nananahan ang may-akda. Ang naging inspirasyon ng sumulat bilang pangunahing tauhan ay ang kanyang kamag-aral sa kolehiyo na si Merulyn Pahoyo, isang English major na may inosente at masayahing mukha. Kasali rin sa tauhan si Arlene Grace Cantalejo bilang kaibigan at si Richelle Milan bilang yaya ni Merulyn, na mga malalapit at matatalik na kaibigan ni Merulyn sa tunay na buhay.

    TumugonBurahin